Skip to main content

 

Nakatanggap ng ganitong SMS?

MicrosoftTeams image 68

Nangangahulugan ito na sumusunod tayo sa ipinag-uutos ng Pamahalaan na Republic Act 9510 o mas kilala bilang Credit Information System Act (CISA) ng 2008 at ang Implementing Rules and Regulations (IRR) nito, na nagtakda ng mga kapangyarihan at tungkulin ng Credit Information Corporation (CIC) na ang pangunahing mandato ay:

  • Tumanggap at pagsama-samahin ang pangunahing datos ng kredito (credit data)
  • Kumilos bilang isang sentral na pagpapatala (central registry) o sentral na imbakan (central repository) ng impormasyon ng kredito (credit information)
  • Magbigay daan sa maaasahan at mayroong pamantayan na impormasyon sa kasaysayan ng kredito (credit history) at pinansyal na kalagayan ng isang manghihiram

Ano ang Credit Information Corporation (CIC)?

Ang Credit Information Corporation (CIC) ay isang ahensiya ng gobyerno na humihingi ng ulat ng kredito (credit report) sa lahat ng mga nagpapautang sa Pilipinas, kasama na ang banko, credit card, institusyong pinansyal, mga kompanyang nagpapautang at pati narin ang kooperatiba, sa lahat ng kanilang pinapautang. Ito ay nakasaad sa Credit Information System Act (CISA) of 2008 na sinusunod lamang ni Flexi Finance Asia, Inc..

Ano ang ulat ng kredito (credit report)?

Ang ulat ng kredito (credit report) ay buod ng mga transaksyong pinansyal ng isang borrower na isinusumite sa CIC.

Kapag maganda ang rekord sa mga nakaraang mga pautang, ikaw ay makakuha ng mataas na marka ng kredito (credit score) at kapag nakakuha ng magandang marka ng kredito (Good Credit Score) ay makakuha ka din ng magandang tuntunin at kondisyon (terms and conditons) pati na rin ang mas mababang rate ng interest sa susunod na mag-apply ka ng loan sa amin or sa ibang institusyon.

Dapat ba akong mabahala?

Hindi, dahil sinisiguro ng CIC na lahat ng impormasyong nakalap ay kumpidensyal at maaring makita lamang ng borrower at ng katransaksyong entidad sa pananalapi (financial entity) . Ang isa sa kinikilalang kredit bureaus ng CIC na CIBI Information Inc., ay naglunsad kamakailan ng CIBIApp kung saan maaaring makakuha ang borrower ng kopya ng kanilang ulat ng kredito (credit report). Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang https://cibiapp.cibi.com.ph/#/login.

Anong mangyayari kung meron akong hindi naayos na utang?

Maaari kang mahirapan sa pag-apply ng loan sa ibang institusyong pinansyal o sa isang bangko dahil sa iyong hindi maayos na account.

Maaari ba akong tumanggi na isumite ang aking datos sa CIC?

Hindi. Ang data ng kredito (credit data) ng isang tao ay kinokolekta ng CIC sa pamamagitan ng iba’t ibang institusyon sa pagpapautang at mga tagapagbigay ng serbisyo na bahagi ng mga nagsusumiteng institusyon na sakop ng CISA.

Paano ako magkakaroon ng magandang marka ng kredito (credit score)?

  1. Magbayad ng maaga o sa tamang oras
  2. Magbudget para walang makaligtaan na pagbabayad at mapanatili ang malinis na rekord.
  3. Kung may iba pang utang sa ibang institusyon, magbayad din sa tamang oras upang makatulong ito sa iyong magandang marka.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Credit Information Corporation.

 

Close Menu

Get in Touch With Us

CIFC Tower
Juan Luna Avenue Extension
NRA, Mabolo, Cebu City

T: +63 9293 455 444
E: info@flexi.com.ph