Skip to main content

Habang patuloy ang epekto ng Covid-19 pandemic sa ating komunidad, naiintindihan ng Flexi Finance na marami sa aming customers ang nakakaranas ng paghihirap, partikular na sa pagbayad sa kanilang buwanang hulugan.

Upang makatulong, kami ay bumuo ng Remission Program na nagbibigay ng karampatang discount on overdue penalties. Ito ay maaring ipagkaloob sa piling customers na nakapag-comply sa aming terms and conditions.

Para sa mga matagumpay na nakapag-avail ng aming remission program, narito ang dapat asahan na matatanggap.

1. Ang Flexi Finance ay magbibigay ng bagong kontrata na naglalaman ng napagkasunduang panibagung halaga.
Ang panibagung halaga ay nabawasan na ng karampatang discount on overdue penalties. Ang bagong kontrata naman ay aming maibibigay sa loob lamang ng 72 hours or dalawang araw.

2. Mangyaring balewalain ang outdated balance sa iyong My Flexi App. Ito ay hindi na valid at hindi dapat ikabahala.

3. Kung ikaw ay nakakatanggap parin ng SMS kasama ang iyong dating balanse, ito ay huwag isipin at ipagsawalang bahala na lamang. Ang aming systema ay kasalukuyang sumasailalim sa pag-aayos. Hinihingi po namin ang inyong pag-unawa at pasensya.

4. Bayaran ang iyong bagong buwanang installment sa pamamagitan lamang ng aming mga AUTHORIZED payment channels. Para sa buong proseso, alamin sa link na ito: bit.ly/HowToPayFlexi.

Anumang installment fees na hindi dumaan sa aming mga payment channels & banks ay ‘di matatanggap ng Flexi Finance at hindi mababawas sa inyon account. Mag-ingat sa mga scammers.

Aming inirerekumenda na magbayad tatlong araw bago ang actual due date kung ito ay nahahantong sa Biyernes or weekends at holidays para hindi makatanggap ng overdue or penalty notifications.

5. Sa sandaling nakumpleto mo nang bayaran ang buong halaga sa remission contract, kami ay magbibigay ng Certificate of Loan Closure bilang patunay na wala ka ng balance sa Flexi Finance. Kasabay din nito ang pag-a-adjust namin sa iyong account sa My Flexi App into zero.

Ugaling magbayad on time or mas maaga upang mapanatili ang iyong good credit score. Kung may na missed na due date ay hahantong ito sa pagkawalang bisa ng iyong Remission at babalik ka sa pagbabayad ng iyong original total balance.

Para sa mga karagdagang concerns at inquiries tungkol sa aming remission program, mangyaring mag-email sa collections.concerns@flexi.com.ph.

[social_buttons full_width_icons=”true” facebook=”true” twitter=”true” google_plus=”true” linkedin=”true”]

Close Menu

Get in Touch With Us

CIFC Tower
Juan Luna Avenue Extension
NRA, Mabolo, Cebu City

T: +63 9293 455 444
E: info@flexi.com.ph